Quezon City, nakapagtala ng pinakamaraming naturukan sa loob ng isang araw

Lalo pang nadagdagan ang mga nabigyan ng bakuna kontra novel coronavirus disease ang maraming residente ng Quezon City.

Noong ika-28 ng Mayo, nakapagtala ng record breaking high ang Quezon City Health Department ng mga naturukan ng bakuna.

Umabot sa 16,649 ang mga nabigyan ng bakuna noong Biyernes, pinakamataas na bilang ito mula ng magsimula ang pagbabakuna sa lungsod.

Agad nagpasalamat si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga residente ng lungsod na nakibahagi sa bakuna para maabot ang 1.7 million na target na herd immunity.

Pinuri rin niya ang mga health workers, staff, volunteers, at mga barangay officials na siyang nanguna para maisakatuparan ang pagbabakuna mula A1 hanggang A3 priority list groups.

Umaasa si Belmonte na sa patuloy na pagkakaisa ng lahat ay maaabot ang pangarap na mabakunahan ang lahat ng mga residente na taga-Quezon City.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/29/2101561/quezon-city-nakapagtala-ng-pinakamaraming-naturukan-sa-loob-ng-isang-araw

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.