Pacquiao tagilid sa betting sites

Mas paboritong manalo si reigning World Boxing Council at International Boxing Federation welterweight champion Errol Spence Jr. kumpara kay Manny Pacquiao sa mga betting sites.

Pormal nang inihayag ni Pacquiao ang laban noong isang linggo kung saan agad na nagsimula ang kaliwa’t kanang online betting para sa inaabangang blockbuster fight.

Tagilid si Pacquiao sa betting sites sa ibang bansa.

Sa record ng Sin City — isa sa pinakasikat na betting sites — paboritong manalo si Spence.

Nakatakdang magkrus ang landas nina Pacquiao at Spence sa Agosto 21 sa Las Vegas, Nevada (Agosto 22 sa Maynila) kung saan dedepensahan ni Spence ang dalawang titulo nito.

Para sa ilang boxing analysts, mabigat na laban ito para kay Pacquiao dahil nasa “prime” pa ng kanyang career si Spence.

Ngunit taliwas naman ito sa pananaw ng iba na mas binigyan ng pansin ang liksi at bilis ni Pacquiao kasama pa ang malalim nitong karanasan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/05/25/2100604/pacquiao-tagilid-sa-betting-sites

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.