Station commanders mananagot sa ‘super spreader events’

Mananagot ang isang police commander sakaling may makalusot na ‘super spreader events’ sa kanyang nasasakupan.

Ito ang babala ni Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar kasabay ng kautusan na istriktong ipatupad ang pagbabawal sa mga mass gathering o anumang ‘super spreader events sa kani-kanilang area of responsibility.

Ayon kay General Eleazar, walang dapat makalusot na ‘super spreader events’ dahil sa banta pa rin ng COVID-19 virus.

Aniya, pinadagdagan niya ang mga nagpapatrolyang mga pulis upang nasisiguro na walang lumalabag sa mga health protocols ng Inter Agency Task Force. Maaaring mapatawan ng command responsibility ang sinumang mahuhulihan ng mga mass gathering.

Ito’y matapos na magpositibo sa novel coronavirus disease ang 54 na indibiduwal na dumalo sa isang pool party at drinking session sa Barangay Nagkaisang Nayon, sa Quezon City kamakailan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/26/2100865/station-commanders-mananagot-sa-super-spreader-events

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.