500 milyong dosis, kabuuang bilang ng mga bakuna kontra COVID-19 na itinurok na sa Tsina

Nitong nakalipas na ilang araw, walang tigil ang pagbabakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 sa Tsina.

Hanggang noong ika-23 ng Mayo, lumampas na sa 500 milyong dosis ang kabuuang bilang ng mga bakuna kontra novel coronavirus disease na itinurok sa Tsina.

Sa Beijing, kabisera ng bansa, mahigit 80 porsyento ang vaccination rate ng unang dosis ng bakuna kontra COVID-19 sa grupo ng mga mamamayang may gulang na 18 taon at pataas.

Ayon sa Chinese Center for Disease Control and Prevention, epektibo ang mga umiiral na bakunang Tsino sa paglaban sa coronavirus variant na natuklasan sa India.

May madaling solusyon sa pagharap sa mga bagong variant ang mga inactivated vaccine na idinedebelop ng Tsina, at mahigpit na sinusubaybayan ng lahat ang mga variant.

Kung lilitaw ang bagong variant na di-maaaring labanan ng umiiral na bakuna, ilulunsad ng bansa ang mga bagong epektibong bakuna.

Source: http://filipino.cri.cn/20210527/be83e66d-2299-ed28-52aa-d83429c8d5dd.html and http://filipino.cri.cn/20210521/731c6a70-4f8d-f62a-7db3-a45e7c811ded.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.