Barangay officials sa illegal street boxing, kakasuhan ng DILG

Sasampahan ng kaso ng Department of the Interior and Local Government sa Office of the Ombudsman ang mga barangay officials na sangkot sa naganap na illegal street boxing sa Gagalangin, Tondo, kamakailan.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang mga barangay officials ay maaaring maharap sa mas mabigat na kaso at kaparusahan kung mapapatunayang direkta silang sangkot sa pag-organisa ng boxing match.

Babala ni Malaya, bukod sa kasong administratibo na maaaring mauwi sa suspensiyon o pagkakatanggal sa puwesto ng mga barangay officials, maaari rin maharap ang mga ito sa mga kasong kriminal. Una nang sinampahan ng kaso ng Manila Police District ang mga barangay officials na nakakasakop sa lugar.

Kinasuhan din ng paglabag sa City Ordinance 8243 ang dalawang sangkot sa boxing match, gayundin ang kanilang magulang, habang dawit din ang mga nanood sa paglabag sa COVID-19 health protocols.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/23/2100182/barangay-officials-sa-illegal-street-boxing-kakasuhan-ng-dilg

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.