Paggamit sa preso sa drug operations, bawal – Eleazar

Bawal ang paggamit sa mga preso sa ikinakasang drug operations.

Ito ang ibinabala ni Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan.

Ang pahayag ni Eleazar ay bunsod ng isinagawang Senate inquiry kung saan kinuwestiyon ang paggamit ng mga awtoridad sa preso para maging buyer sa drug bust operations.

Partikular na rito ang nangyaring misencounter ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency noong Pebrero dahil sa buy bust operation. Nagresulta ito sa pagkakasawi ng apat na indibidwal.

Ayon kay Eleazar, matagal nang ipinagbabawal ang paggamit ng mga preso sa mga buy-bust operations.

Ani Eleazar, “That’s not allowed, that’s why investigation has been conducted and we have given directive reminding our personnel na [that], if you want information, you can get information but you need a court order or the permission from the court to bring out any detainee under your detention or custody.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/27/2101050/paggamit-sa-preso-sa-drug-operations-bawal-eleazar

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.