Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat

Kamakailan lang, tiniyak ng National Water Resource Board na sa kabila ng mainit na panahon ngayon at nararanasang water service interruption sa ilang lugar sa bansa ay sapat pa rin ang suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay National Water Resource Board Executive Director Sevillo David Jr., nasa 48 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila, na mas mataas sa normal na alokasyon na 46 cubic meters per second.

Aniya pa, nasa 10 cubic meters per second naman ang alokasyon sa mga irigasyon, na makakatulong anila sa mga magsasaka ngayong panahon ng tag-init.

Sa kabila nito, pinayuhan ni David ang publiko na magtipid pa rin ng tubig.

Aniya, sa paliligo ng katawan ay hindi na dapat magbabad habang sa pagsasabon ng kamay dapat iwasang maging tuluy-tuloy ang pagtulo ng tubig kung nagsasabon pa.

Sa pagdidilig naman aniya ng halaman, maaaring recycled water na lamang ang gamitin.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/24/2100377/suplay-ng-tubig-sa-metro-manila-sapat

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.