Barangay chairman sa Gubat sa Ciudad incident, suspendido ng 60 araw

Inaprubahan na ng Sangguniang Panglungsod ng Caloocan ang 60 days preventive suspension na inihain laban kay Barangay 171 Chairman Romeo Rivera bunsod ng pagsu-swimming ng nasa 500 katao noong Mother’s Day sa Gubat sa Ciudad Resort.

Kinasuhan si Rivera sa kasong Gross Neglect of Duty o Dereliction of Duty and Conduct Prejudicial to the Service.

Batay sa resolution, bigo si Rivera na ipatupad ang kanyang tungkulin bilang punong barangay nang hindi nito napigilan ang operasyon ng nasabing resort na paglabag sa Inter-Agency Task Force Omnibus Guidelines.

Ipapataw anumang araw mula ngayon ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang 60 days preventive suspension laban kay Rivera.

Nabatid pa sa resolution na tila wala umanong kamalay-malay si Rivera na nag- o-operate at patuloy ang pagtanggap ng nasabing resort ng mga nais na mag-swimming bagama’t nasa Modified Enhanced Community Quarantine ang lungsod.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/27/2101045/barangay-chairman-sa-gubat-sa-ciudad-incident-suspendido-ng-60-araw

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.