‘Trash to Cashback’, pinaigting sa Quezon City

Higit pang pinaigting ng Quezon City government ang pagpapatupad ng plastic waste trading program ng lungsod.

Ang program, na tinawag na ‘Trash to Cashback’ ay ang paglapit ng lokal na pamahalaan sa mga komunidad para higit na mapalakas ang segregation ng basura at mabigyan ng kaalaman ang mga tao sa kahalagahan ng recycling sa pamumuhay ng bawat mamamayan.

Sa ‘Trash to Cashback’, ang mga recyclables ay maaaring maipalit ng pagkain tulad ng bigas, itlog, gulay at iba pang essential grocery items. Sa ilalim ng programa, ang mga barangay ay maglalaan ng isang drop-off point sa kanilang komunidad para dito dadalhin ng mga residente ang kanilang recyclables kapalit ng pagkain.

Bukod sa metal tinatanggap din sa mga drop-off points ang papel, PET bottles, single-use plastics tulad ng shampoo sachets, coffee packs, at online shopping plastic packages.

Layunin ng programa na mabawasan ang plastic waste sa lungsod.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/26/2100850/trash-cashback-pinaigting-sa-quezon-city

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.