38,000, kabuuang bilang ng China-Europe freight trains

Ayon sa datos na pinahayag ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng bansang Tsina, nitong nakalipas na limang taong 2016 hanggang 2020, umabot sa lampas na 38,000 ang kabuuang bilang ng mga China-Europe freight trains, at ipinadala ang mga kargo sa 151 lungsod ng 22 bansang Europeo.

Samantala, 3.4 milyong Twenty-foot Equivalent Units ang kabuuang bolyum ng inihatid na mga paninda ng mga nasabing freight trains na ito.

Ipinakikita rin ng datos ng komisyon na noong nagdaang buwan ng Abril, 1,218 ang kabuuang bilang ng freight trips sa pagitan ng bansang Tsina at rehiyon ng Europa, at inihatid ang 117,000 Twenty-foot Equivalent Units na paninda ng mga nasabing freight trains.

Ito ay magkahiwalay na lumaki ng 24 porsyento at 33 porsyento kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Source: http://filipino.cri.cn/20210518/404e1530-9f50-ef14-cc86-1f6feceb8ef5.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.