LRT Line 2 Extension, bubuksan na sa Hunyo

Good news para sa mga commuter sa Metro Manila: Magagamit na sa Hunyo ang Light Rail Transit Line 2 Extension na magdudugtong sa Marikina City patungong Masinag sa lungsod ng Antipolo.

Ito ang sinabi ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade matapos niyang bisitahin ang Marikina Station sa Marcos Highway.

Ayon kay Secretary Tugade, kapag binuksan na ang LRT Line 2 Extension, aabutin ng 40 minutes lamang ang magiging biyahe mula Masinag sa Antipolo hanggang Recto sa Maynila na dating tatlong oras ang kabuuang biyahe.

Pero bago ito buksan, tanging Recto Station sa boundary ng Santa Cruz at Quiapo sa Maynila hanggang Cubao Station sa Quezon City lamang ang magiging biyahe ng mga tren hanggang ika-30 ng Mayo.

Ito’y isinagawa upang bigyang daan ang integration test ng signaling system ng Light Rail Transit mula Marikina Station patungong Masinag Station.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/22/2099952/lrt-line-2-extension-bubuksan-na-sa-hunyo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.