8 PBA teams sumabak na sa ensayo sa Batangas

Matapos ang TNT Tropang Giga, Meralco at NLEX, binuksan na rin ng walong koponan ang kani-kanilang mga training camps.

Sumabak sa ensayo ang Barangay Ginebra, San Miguel, Magnolia, Alaska, Rain or Shine, Phoenix, NorthPort at Terrafirma sa tatlong venues sa Batangas bilang preparasyon sa PBA 46th Season.

Sinimulan ng nasabing mga PBA teams ang kanilang mga training at scrimmages sa Batangas City Coliseum, Batangas State University Gym at Lyceum-Batangas Gym.Sa Batangas din maglalagay ng kanilang training camp ang Blackwater, ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial.

Umarangkada na ng kanilang ensayo ang TNT Tropang Giga at Meralco sa Laoag, Ilocos Norte  habang nasa Clark, Pampanga naman ang NLEX.

Nag-eensayo ang mga PBA teams sa labas ng NCR Plus dahil sa umiiral pa ring General Community Quarantine with heightened restrictions. Posibleng maitakda ng liga ang Season 46 sa katapusan ng Hunyo.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/05/21/2099657/8-pba-teams-sumabak-na-sa-ensayo-sa-batangas

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.