Pinoy seaman na dinapuan ng India variant, nasawi

Nasawi ang isang Filipino seaman na nahawa ng India variant ng COVID-19 habang 11 naman ang mga tuluyang gumaling sa sakit, ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ang nasawing pasyente ay isa sa siyam na tripulante ng barkong MV Athens na nag-emergency docking sa Manila Bay kamakailan. Apat sa kanila ang patuloy na nakaratay sa pagamutan habang apat na iba ang ganap na gumaling sa pagkakainpeksyon ng B.1.617 variant na unang natukoy sa India.

Hindi kinilala ni Vergeire ang tripulante na sinabi niyang mula sa Parañaque City ngunit naninirahan din sa isang probinsya sa Pilipinas.

Bukod sa mga sakay ng MV Athens, tatlo pang OFWs ang nahawa rin ng India variant pero mapalad ang mga ito na gumaling na rin. Ang tatlong close-contacts naman ng mga nagkasakit na OFWs na nagpositibo rin sa COVID-19 ay natukoy na walang taglay na Indian variant.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/05/25/2100684/pinoy-seaman-na-dinapuan-ng-india-variant-nasawi

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.