Paligsahan sa paggawa ng maikling video ng Tsina at ASEAN, sinimulan

Idinaos noong ika-19 ng Mayo ang online na seremonya ng pagbubukas ng Ikalawang Paligsahan ng Paggawa ng Maikling Video ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ng Embahador ng Tsina sa ASEAN, na bilang isa sa serye ng mga aktibidad ng pagdiriwang sa Ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng bansang Tsina at ASEAN, ang paligsahan ay may natatanging katuturan.

Lahat ng mga mamamayan ng Tsina at mga bansang ASEAN ay maaaring sumali sa paligsahang ito.

Ang mga obra ay kailangang nakapokus sa temang “Pagkakaibigan at Pagtutulungan” ng Tsina at ASEAN sa paglaban sa COVID-19, aktuwal na kooperasyon at pagpapalitang kultural ng dalawang panig, at iba pa.

Pipiliin ang mga mananalo sa gitnang dako ng Oktubre, at idaraos naman ang seremonya ng gantimpala sa katapusan ng taong ito.

Source: http://filipino.cri.cn/20210520/3fa48198-e4a3-de20-7295-996d59b3222c.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.