Bike registration program, inilunsad sa Quezon City

Upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga bicycle riders at sa iba pang uri ng sasakyang dumaraan sa mga lansangan sa Quezon City, inilunsad ng Department of Public Order and Safety – Green Transport Office ng lungsod ang voluntary bike registration program alinsunod sa ipinaiiral na City Ordinance na kilala bilang QC Safe Cycling Ordinance.

Sa ilalim ng Section 7 ng ordinansa, ang Green Transport Office – Bicycle and Active Transport Section ang magpapatupad ng programa at magbibigay ng kaalaman sa mga cyclists at active transport users para sa kahalagahan ng pagtiyak sa kaligtasan ng cycling at active transport program.

Ang programang ito ay may malaking tulong din sa mga bikers na mahanap ang mga bisikleta na nawawaala o nanakaw.

Kaugnay nito, hinimok ni QC Mayor Joy Belmonte ang bicycle riding groups at iba pang  active transport users  na iparehistro ng kanilang bisikleta sa ilalim ng programa.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/22/2099954/bike-registration-program-inilunsad-sa-quezon-city

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.