Suspect sa ‘bakuna-for-sale’, sumuko

Sumuko na sa mga awtoridad ang lalaking sinasabing nasa likod ng umano’y bentahan ng COVID-19 vaccination slot sa Mandaluyong City.

Nakilala itong si Kyle Bonifacio, 25, na sumuko kina Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos at kanyang asawang si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng mag-asawang Abalos na mariing pinabulaanan ni Bonifacio ang alegasyon laban sa kanya at sumuko umano siya upang linisin ang kanyang pangalan.

Ayon pa kay Bonifacio, “Gusto ko lang sabihin na ‘di talaga ako nagbenta. Ang resibo na ‘yun ay kusang bigay sa akin ng taong ‘yun.”

Hindi naman na ipinaliwanag pa ni Bonifacio ang kanyang pahayag at hindi rin tinukoy kung sino ang taong kanyang tinutukoy.

Sinabi pa niya na kumpiyansa siya na wala siyang kasalanan kaya’t lumutang siya sa publiko upang matapos na ang isyung ito.

Ang ama ni Bonifacio ay barangay kagawad sa lungsod.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/27/2101052/suspect-sa-bakuna-sale-sumuko

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.