Halos 500,000 doses ng AstraZeneca ‘di pa naituturok kahit Hunyo na mapapanis

Nanganganib mapanis ang nasa kalahating milyong bakuna na gawa sa AstraZeneca laban sa coronavirus disease sa susunod na buwan, pero ayon sa Department of Health, ginagawan na nila ng paraan para mapabilis ang pagdating nito sa braso ng mga mamamamayan.

Ito ang inilahad ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing.

Sa lagpas 2 milyong AstraZeneca vaccines na natanggap na ng Pilipinas, mahigit 1 milyon pa lang ang naituturok sa ngayon.

1.5 milyon sa kabuuang doses ang mag-e-expire sa ika-30 ng Hunyo habang nasa 500,000 naman ang mapapanis sa Hulyo, dahilan para gamitin itong second dose ng mga naturukan na noong Marso. Para maging kumpleto ang proteksyong ibinibigay ng AstraZeneca, kailangan na dalawang doses ng nasabing bakuna ang maiturok sa tao.

Nasa 12 linggo ang pagitan ng una at ikalawang dose ng nasabing COVID-19 vaccine brand.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/05/26/2100968/halos-500000-doses-ng-astrazeneca-di-pa-naituturok-kahit-hunyo-na-mapapanis

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.