GCQ pa sa NCR Plus sa Hunyo, inirekomenda ng OCTA

Inirekomenda ng OCTA Research group ang pagpapalawig sa general community quarantine status sa Metro Manila at karatig lalawigan sa buwan ng Hunyo.

Ito ay sa kabila na nasa 80 porsiyento na ang ibinaba sa average number ng COVID-19 cases sa National Capital Region.

Ayon kay Professor Guido David at Fr. Nicanor Austriaco, na bagama’t maaari nang magluwag sa restrictions para sa mas maraming negosyo ang makapagbukas, kailangan pa rin na mapanatili pa ang GCQ.

Nabatid na may average na 1,099 bagong COVID-19 cases sa isang araw sa NCR sa nagdaang linggo.

Sinabi rin ni David na ang reproduction number sa NCR o ang bilang ng taong nahahawahan ng virus ay bumaba sa 0.53 habang ang positivity rate ay bumaba sa 10% mula sa dating 25% noong Abril.

Dagdag niya, dapat manatili ang ipinatutupad na GCQ sa NCR Plus sa buwan ng Hunyo upang patuloy ang pagbaba sa bagong kaso ng Covid-19.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/27/2101051/gcq-pa-sa-ncr-plus-sa-hunyo-inirekomenda-ng-octa

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.