Higit 1 milyong Pinoy, ‘fully vaccinated’ na

Higit sa isang milyong Pilipino na ang nakakumpleto ng dalawang doses ng bakuna kontra COVID-19 nitong Mayo 25, ayon sa ulat ng Department of Health.

Sa datos ng National Vaccination Operations Center, nasa 3,466,314 na ang nabigyan ng unang dose ng bakuna at sa bilang na ito nasa 1,029,061 ang fully vaccinated.

Sa mga fully vaccinated, 581,797 ang mula sa A1 priority group (health workers); 195,952 mula sa A2 (senior citizen); 250,777 sa A3 (person with comorbidities) at 535 sa A4 (essential frontliners).

Ang mga nakatanggap naman ng unang dose ng bakuna ay 1,340,337 indibidwal mula sa A1; 1,174,191 mula sa A2; 941,091 sa A3 at 10,695 mula sa A4.

Nasa kabuuang 4,495,375 doses na ang naiturok sa publiko habang nasa 1,381 vaccination sites ang kasalukuyang nagpapadala ng datos sa DOH ukol sa lagay ng vaccination sa bansa.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/05/27/2101134/higit-1-milyong-pinoy-fully-vaccinated-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.