Bagong COVID-19 protocols vs airborne virus, iginiit

Isang health expert ang nanawagan sa Department of Health na magpatupad ng bagong COVID-19 protocols dahil sa mga bagong ebidensya na “airborne” ang coronavirus at hindi lang basta respiratory droplets.

Ayon kay Dr. Ronnie Baticulon, isang neurosurgeon, “Kailangan i-emphasize na natin itong mga bagong findings. Kaya tayo nandito ngayon, kailangan ipaalam sa bawat isa na nasa hangin ang COVID.”

Sa pag-aaral ng grupo ng mga siyentipiko buhat sa US, UK at Canada, may sapat na ebidensya na kumakalat ang virus sa hangin.  Ipinapayo nila na baguhin ang mga protocols sa mga indoor na lugar na mas malaki ang posibilidad ng hawahan.

Inirekomenda niya na dapat natural na umiikot ang hangin sa mga sasakyan habang mas dapat gamitin muna ang mga electric fans sa mga establisimiyento kaysa mga airconditioning units na walang HEPA filters.

Nananawagan siya sa publiko na gumamit ng de-kalidad na medical grade face masks.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/04/27/2094000/bagong-covid-19-protocols-vs-airborne-virus-iginiit

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.