Core module ng space station, matagumpay na inilunsad ng Tsina; Pangulong Tsino, nagpadala ng pagbati

Noong Abril 29, matagumpay na inilunsad ng Tsina ang core module ng space station, at pumasok ito sa nakatakdang orbita.

Sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Konseho ng Estado at Central Military Commission, nagpadala si Pangulong Xi Jinping ng bansa ng mensaheng pambati.

Anang mensahe, ang pagtatatag ng space station at pambansang laboratoryong pangkalawakan ay mahalagang target ng estratehiya ng manned space project ng Tsina, at ito rin ay mahalagang proyektong tagapagpatnubay ng pagtatatag ng malakas na bansang pansiyensiya, panteknolohiya at pangkalawakan.

Tinukoy ni Xi na ang matagumpay na paglulunsad ng nasabing core module na pinangalanang “Tianhe” ay palatandaang pumasok na sa yugto ng komprehensibong pagpapatupad ng kontruksyon ng space station ng bansa.

Ayon sa plano, matatapos ang pagtatatag ng space station ng Tsina sa taong 2022.

Source: http://filipino.cri.cn/20210429/8043d7de-aef7-a0c0-e597-baf1f9d7e6ec.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.