Pagbabakuna sa mga dayuhang nasa Tsina, patuloy; kabilang ang gurong Pinoy

Si Meribel Swank ay taga-Weihai, Shandong. Siya ang Head ng English Department ng Weihai Zhongshi Foreign School.

Ang dahilan kung bakit nag-desisyon si Meribel na magpabakuna ay mababasa sa website ng Chinese embassy sa Pilipinas ang anunsyo hinggil sa pasilitasyon para sa mga visa applicant na nainiksyunan ng mga bakunang Tsino.

Saad ni Meribel, “With the limited supply outside China, I believe that I am blessed to have the vaccine made available to foreigners.”

Libre ang pagbabakuna sa dayuhang guro sa Lingang District ng Weihai. Mahalaga ang pagpapabakuna upang makamit ang herd immunity at makatulong na mapuksa ang patuloy na pagkalat ng COVID-19, pigilan ang pagkahawa, pagkakasakit at maging ang pagkamatay dahil sa naturang mapanganib na virus.

Upang mawala ang pag-aalala hinggil sa pagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 nagbasa si Meribel ng mga artikulo mula sa credible sources.

Source: http://filipino.cri.cn/20210408/da2ddbed-75e8-1f81-66e3-66a3a27ac1a1.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.