Technology transfer, resiliency innovations sa CREATE ACT isinusulong

Isinusulong ni Albay Representative Joey Salceda ang ‘resiliency-building innovations’ sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act upang lumikha ng mga bagong industriya na higit na matatag sa kabila ng hagupit ng pandemya tulad ng COVID-19.

Ayon kay Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means at pangunahing may-akda ng CREATE Act sa halip na buhayin pa ang wala ng silbi o nalugmok ng mga industriya ay dapat lumikha na lamang ng mga bago na susubok sa hamon ng panahon.

Sinabi ni Salceda, isang ekonomistang mambabatas na kasalukuyan na siyang nakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry sa paglikha ng bagong “investment promo brochure” o listahan ng mga prayoridad na industriya sa ilalim ng CREATE Act.

Punto ni Salceda, “Ang susi sa pag-unlad ay hindi ang muling pagbuhay sa wala nang silbing mga industriya, kundi ang paglikha ng mga bago.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/04/14/2091003/technology-transfer-resiliency-innovations-sa-create-act-isinusulong

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.