Libreng sakay sa health workers, APORs gawing nationwide – DOTr

Ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang nationwide implementation ng Free Ride Service Program para sa mga Health Workers at Authorized Persons Outside Residence ng kanilang ahensya.

Inatasan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na palawakin pa ang pagpapatupad ng Free Ride Service, hindi lamang sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa, ano man ang umiiral na community quarantine level doon.

Ayon kay Secretary Tugade, layunin ng programa na matulungan ang mga essential workers na makarating sa kanilang destinasyon ng ligtas nang hindi na sila gagastos pa.

Ipatutupad aniya ang Free Ride Service for Health Workers and APORs hanggang sa panahong ang pondong inilaan ng Bayanihan to Recover As One o Bayanihan 2 para sa Service Contracting Program ay magamit nang lahat at ma-disbursed.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/04/15/2091209/libreng-sakay-sa-health-workers-apors-gawing-nationwide-dotr

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.