Kailan dapat magpa-swab test?

Tinanong si Dr. Naida Javier-Uy, Chief Medical Officer at Senior Vice-President ng Cardinal Santos Medical Center, kung ano ang dapat gawin kung ikaw ay ma-expose sa isang may COVID.

Ang madalas na reaksiyon ay magpa-swab test agad. Ngunit ito ang kanyang payo: Kung symptomatic ka, inirerekomenda na sumailalim ka agad sa swab test. Ngunit kung wala kang sintomas, maaaring maghintay at magmasid muna.

Inirekomenda niya ang pagpapa-swab test sa ikalima hanggang ikapitong araw pagkatapos ma-expose sa isang positibo sa COVID. Kung ang resulta ay negatibo, balik-normal ang buhay mo.

Binigyang-diin ni Dr. Javier-Uy na ang paggamit ng tangke ng oxygen ay dapat gawin sa tulong ng isang health professional dahil ang mga kinakailangang setting para rito ay magkakaiba sa bawat tao.

Sabi niya, “Inirerekomenda namin ang mga tangke ng oxygen para sa mga pasyenteng may matagal nang sakit sa baga at hindi para sa COVID.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2021/04/19/2092234/home-care-para-sa-mga-may-covid-19

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.