Bultu-bultong relief goods sa bodega ng DSWD mabubulok lang, ipamahagi na

Kaysa mabulok ang relief goods na nakaimbak sa bodega ng Department of Social Welfare and Development ay ipamahagi na ang mga ito sa mahihirap na naapektuhan ng pandemya.

Sinabi ni Iligan City Representative Frederick Siao na sa kaniyang nakuhang impormasyon, ang nasabing mga relief goods ay nakatambak lamang sa mga bodega ng DSWD at National Food Administration na bahagi ng pondo ng ahensya para sa taong 2021.

Inilaan umano ang mga relief goods para sa posibleng pagtama ng malalaking kalamidad sa bansa tulad ng malalakas na lindol at bagyo.

Binigyang diin ni Siao na sa mata ng mga pamilyang Pinoy ang mga stockpiles ng relief goods ay bahagi ng buwis na kanilang binabayaran mula sa income tax, VAT at iba pang uri ng buwis.

Ayon sa solon, ‘wag ng maghintay pa ng kalamidad at mas mabuti na ang pakinabangan ang relief goods na makatutulong pa para maisalba ang kumakalam na sikmura ng mahihirap.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/04/20/2092410/bultu-bultong-relief-goods-sa-bodega-ng-dswd-mabubulok-lang-ipamahagi-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.