Pag-IBIG Fund home loan, umabot ng P20.94 bilyon

Naglabas ang Pag-IBIG Fund ng 20.94 bilyong piso home loans sa unang bahagi ngayong taon.

Ayon sa ahensiya, ito ay mas mataas ng 33 porsyento o 5.2 bilyon piso kumpara sa 15.8 bilyong piso home loans lamang na nailabas nila sa kaha­lintulad na panahon noong taong 2020, sa kabila ng nararanasang pandemya ng COVID-19.

Pahayag ni Secretary Eduardo del Rosario, na siyang head ng Department of Human Settlements and Urban Development, at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees na nakatulong ang naturang 20.9 bilyong piso home loans upang magkaroon ng sarili nilang tahanan ang may 20,712 miyembro nito nitong unang bahagi ng taon.

Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, kahit pa sukatin kumpara sa panahon bago ang implementasyon ng community quarantines, mayroon pa rin aniyang increase o pagtaas sa home loans.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/04/15/2091214/pag-ibig-fund-home-loan-umabot-ng-p2094-bilyon

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.