Patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, kaya hindi dapat paluwagin ang hakbangin ng proteksyon sa pampublikong kalusugan – WHO

Ipinahayag noong Abril 12 ng World Health Organization, na naiturok na ang mahigit 780 milyong dosis na bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 sa buong mundo, pero, tumataas pa rin ang bilang ng mga naitalang bagong kumpirmadong kaso at kamatayan bawat linggo.

Nadadagdagan nadadagdagan din ng malaki ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa ilang bansa sa Asya at Gitnang Silangan.

Ipinahayag ng WHO na kasabay ng pagbabakuna, hindi dapat paluwagin ang mga hakbangin ng pampublikong kalusugan.

Dapat pa rin magpatuloy ang publiko sa pagsuot ng face mask at face shield, pagrespeto sa social distancing, at paghugas ng kamay.

Pinapayuhan din ang publiko na sumunod sa curfew at manatili sa bahay, lalung-lalo na ang mga bata at senior citizen para sa kanilang seguridad. Lumabas lang kapag kailangan magtrabaho o bumili ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan.

Source: http://filipino.cri.cn/20210413/5f681fec-b141-ea8b-8d0a-720757cdc158.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.