Quarantine facility ng PPA gagawing modular COVID-19 isolation wards

Gagawin nang modular COVID-19 wards ang dalawang malalaking novel coronavirus disease quarantine facility ng Philippine Ports Authrotity.

Ito ay makaraang ipag-utos ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na gawin nang isolation facility ang mga quarantine facilities sa Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15 sa Maynila at Port of Capinpin sa Orion, Bataan.

Ang hakbang ay aksyon ni Tugade sa nararanasang kakulangan ng hospital bed sa Metro Manila dahil sa mataas na kaso ng tinatamaan ng Covid-19.

Sa pulong na isinagawa ng Task Group on Isolation and Quarantine na dinaluhan ni NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon at iba pang ahensya, napagkasunduan na ang Department of Health ang magbibigay ng manpower at equipment para rito.

Simula ika-9 ng Abril ay umarangkada na ang operasyon ng dalawang modular COVID-19 isolation wards na may kabuuang 335-bed capacity.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/04/10/2090147/quarantine-facility-ng-ppa-gagawing-modular-covid-19-isolation-wards

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.