2 pang vaccination site, binuksan sa Taguig

Dalawa pang vaccination site ang binuksan ng pamahalaang lungsod ng Taguig upang patuloy na mapalakas ang programang pagbabakuna.

Ito ay matatagpuan sa Maharlika Elementary School sa Barangay Maharlika at EM’s Signal Village Elementary School sa Barangay Central Signal.

Ang karagdagang community vaccination centers na ito ay makakatulong sa dalawa pang kasalukuyang Mega Vaccination Hubs sa Lakeshore area sa Barangay Lower Bicutan, at Vista Mall Parking Building sa Barangay Calzada, at sa kaunaunahang community vaccination center sa RP Cruz Elementary School sa Barangay New Lower Bicutan.

Nagsimulang magbakuna ang lungsod noong March 31 sa mga nakalista sa COVID-19 Vaccine Priority List categories A2 (senior citizens) at A3 (non-senior adults with comorbidities).

Nagsimula na ring magbigay ang Taguig ng pangalawang dose ng bakuna sa mga A1 category (medical frontliners).

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/04/09/2089864/2-pang-vaccination-site-binuksan-sa-taguig

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.