DOH nagbabala sa paggamit ng oxygen tank sa mga bahay

Nagbabala ang Department of Health sa publiko sa paggamit ng oxygen tank sa kani-kanilang mga bahay.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi simple ang paggamit ng oxygen tank at dapat na ‘appropriate’ ang level ng oxygen base sa kondisyon ng pasyente.

Sabi ni Vergeire, sa halip na makabuti, posibleng mas makasama pa sa kondisyon ng pasyente ang maling paggamit ng oxygen tank.

Kung wala naman umanong sakit, pangangailangan o problema sa respiratory ay baka makasama pa ang paggamit ng oxygen tank sa kanila.

Giit niya, mas mainam kung alamin muna ng mga tao kung ano ang kanilang nararamdaman bago gumamit ng oxygen tank, upang hindi ito magdulot ng masamang epekto sa paghinga at sa kalusugan.

Dagdag ni Vergeire, baka makaapekto rin sa suplay at pangangailangan ng mga ospital kung ang mga household ay bibili o magkakaroon ng sariling mga oxygen tank.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/04/08/2089640/doh-nagbabala-sa-paggamit-ng-oxygen-tank-sa-mga-bahay

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.