National athletes ‘ipapaampon’ sa mga LGUs

Gagawin ng Philippine Sports Commission ang lahat para maibigay ang suporta sa mga national athletes na naghahanda para sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.

Ani Commissioner at Southeast Asian Games Chef de Mission Ramon Fernandez, plano ng PSC na makipagtambal sa mga Local Government Units na ‘aampon’ sa mga national teams na magsasanay sa kanilang lugar.

Ito ang ginawa sa mga fencers at archers na kasalukuyang nasa ‘bubble’ training sa Ormoc City at Dumaguete City, ayon sa pagkakasunod.

Hirap ang mga atleta na makapag-ensayo dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa NCR plus sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

Nauna nang pumasok sa ‘bubble’ training ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Pero kailangan munang makakuha ang PSC ng ‘go signal’ mula sa IATF para sa ‘bubble’ training.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/04/10/2090083/national-athletes-ipapaampon-sa-mga-lgus

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.