DILG pinakikiusapan ng DOH na tumulong para matapos ang pagbabakuna kontra tigdas, polio

Nangangamba ang Department of Health na sasabay pa sa pagbabakuna kontra COVID-19 ang nagpapatuloy ngayong pagbabakuna kontra ilang sakit sa mga bata tulad ng tigdas, polio at rubella.

Kaya naman nakikiusap si Health Secretary Francisco Duque sa Department of the Interior and Local Government na tumulong na para mapabilis ang pagbabakuna sa mga bata lalo na sa mga lugar na marami pa rin ang hindi pa nabibigyan nito.

Sabi ni Duque, sana ilaan ng DILG at mga lokal na pamahalaan ang mga natitirang araw ng Pebrero para palakasin ang immunization laban sa mga sakit na ito.

Hinihikayat din ni Duque tumulong ang DILG sa information dissemination na patungkol sa immunization activities.

Ibinilin din ng kalihim na sundin pa rin ang mga polisiya at guidelines para maiwasan pa rin ang pagkalat ng COVID-19 habang isinasagawa ang pagbabakuna kontra sa mga sakit na ito ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.